Wednesday, October 1

Scandalous

Aba nga naman, the Internet, home to scandals that you see on TV and don''t see on the tube. As I was browsing through the Net as I do everyday, I came across these:


Wow, si Miley umaariba! HAHA. Isipin mo, kakasixteen ko lang e wala pa akong ganyan. Wala na ata ako sa uso ngayon. Hindi pa nagssweet sixteen e umaariba na talaga. Siguro kaya nagkakaron ng teenage pregnancies ay dahil sa mga photoshoot na ganito. Tingin niyo? Siguro yung mga nagppractice ng "deed" e nagpopose rin ala-Miley Cyrus bago nila gawin ito. Hahahaha.


Ibang klase talaga si Miley. While nagsscroll down ako sa HUB e yun yan ang napuntahan ko. Isa lang talaga masasabi ko, POSE KO YUNG HULI AH. hahahahaha. Di ba Katreena? Kaloka. Pero, sa pagkaseryoso at masabing may kabuluhan naman tong pinagsasabi ko at hindi lang porn pics ang nilalagay ko e eto, masyado bang maganda ang panty niya para ilagay sa Internet? Halos di na nakita buhok niya kasi puro baba, at kung hindi baba e taas naman. Eto ang mga picture na inilalagay ni Miley sa Myspace Account niya. Oh kamusta naman di ba? Gustong-gusto siya ng mga bata tapos eto ilalagay niya sa net. In time, magugulat nalang kayo na ang mga 6 year old girls e nagpopose na nang ganyan. Oh di ba?! Panalo! Hahahaha. Kung ako naman ang tatanungin, hindi naman Internet ang may kasalanan e. Nasa may gumagamit talaga yan. Bakit hindi mo ipost ang mga picture na matino ang mukha mo? Kadalasan nga, feeling ko ha, mas gusto pa ng mga Friendster users na makita ang mga alaga nila kesa yung mga mukha nila. Nakakapagod tingnan. Alam mo yun, imbis na mamuhay ng matino e mga katuksuhan pa ang napapala ng bata sa Internet.

Our Kids Want Smiley Miley


Syempre, sa Hub ko pa rin ito nakita. Tama nga naman. Alam niyo, hindi ko naman pagpupunteryahan si Miley kung hindi ganyan ang mga ginagawa niya. Plus, in general. Ganito na talaga ang sitwasyon. Puro sexual content ang nilalagay at akala nila e maganda tingnan yun. Unti-unti ay binabalewala natin ang mga itinuturo ng ating mahal na mga magulang. Hindi naman siguro masama maging liberated, wag lang over. Tsaka isipin pa rin natin ang moral values natin. After all e, tao pa rin tayo. There's goodness in everybody, it just depends on how they use it, sharing ng magaling kong kapatid kanina. Oh di ba?

Ang problema kasi ngayon e kapag teen ka na e, wala ka na paki sa mga tao sa paligid mo. Kahit ang ating mga magulang e paminsan nababalewala na. E kung try kaya kausapin ni Billy Ray si Miley? Anu kaya maging dialogue ng dalawa?
(Tagalog version)
BILLY: Anak, may nakita akong pictures sa Internet na hindi kanais -nais. Anu masasabi mo dito?

MILEY: Ay shet. Sweetniblets!

HAHAHAHA. Walang paki e. Maganda rin kasi na makipagbonding naman tayo sa mga magulang natin di ba? Para hindi rin sila left out sa pagkikilala ng mga anak nila.

Kaya ngayon, itinatatapos ko ang walang kwentang blog post na ito sa pamamagitan ng pagpost ng pagstate sa inyo ng definition ng teenager:

Teenager: A young person, usually about 13 to 19 years old.

Grabe, bata pa tayo. Ienjoy natin 'to. Wag tayo masyadong magrush sa adulthood. We'll all become old and boring someday. :)

xoxo.