Photobucket ?: Patawad

?

call the deep wind and marvel at its presence
within hear the longing
embrace the calmness
indulge in the liberty
speak and you can be heard.

Saturday, December 11

Patawad

Hindi ko alam kung paano ko gagawing tama ang lahat. Alam kong hindi ko naman kasalanan pero bakit ako pa rin ang hihingi ng tawad? Nakakapagod na ito, hindi ko mapigilan ang sarili ko pagdating sa'yo. Kung maari lang akong uminom ng gamot na pampalimot upang tuluyang mawala ka sa isip ko, gagawin ko iyon sapagkat patuloy akong nahihirapan. Patuloy na nagtitiis. Patuloy na naghihintay.

Patawad kahit di naman dapat ako humingi ng tawad. Patawad kasi ganito tayo ngayon.

Naaalala mo ba tuwing magkasama tayo? Lagi tayong masaya. Ngayon, ni simpleng kamustahan, hindi man lamang natin magawa. Ano ang nangyari?

Gusto kong mahagkan ulit ang dating ikaw. O baka naman, ikaw ngayon ay kung sino ka naman talaga at nabulag lang ako sa pinakita mong ikaw sa mahina kong puso.

Ayoko na. Patawad.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

Links to this post:

Create a Link

<< Home