Monday, March 14

Mata

Ayaw mang aminin sa sarili
Hinahanap-hanap ka pa rin
Sa paglalakad nagmamakaawa
Nagdadasal na makita kang muli
Masilayan ka man lang
Sapat na
Hindi naman humihiling
Nang higit pa
Masilayan ka man lang
Hindi kailangan ng salita
Hindi kailangan tumigil
Ang mundo para
Sa ating pagkikita

Masilayan ka man lang
Sapat na.
Sapat na.

No comments: