Sunday, November 14

wala

Kasi nakakapagod na.
Paulit-ulit ang mga pangyayari.
Walang nagbabago.
Kung mayroon man ay babalik din sa dati.

Wala na akong alam na gawin.
Sinanay mo ako nang ganito.
Pero ngayon, bigla kang nawawala.
Hindi ko maintindihan.

Siguro may mali sa akin.
Wala ka nang makitang kakaiba sa akin.
Pare, okay lang naman.
Basta ba nagsasabi ka.

Nakakapagod kasing maghintay ng sagot
Na sa loob-loob mo ay alam mo naman
Alam mo naman e...alam mo namang
Hindi ito darating.

Bakit ka pa ba naghihintay?
Kung naghihintay ka lang naman
Naghihintay ka lang
Para sa wala.

No comments: