Tama na.
Nakakapagod pa rin hanggang ngayon.
Wala namang magandang naidudulot ito.
Basag na ang lahat.
Hindi ko na maaayos.
Tama na.
Sana nakikita mo ang nakikita ng iba
na maaaring dati ay lagi akong nandyan
ngunit di na ngayon.
Ayoko na.
Tama na.
Kasi para akong gamit na nilalabas lamang
tuwing kailangan.
At pag hindi na?
Nasa isang tabi, umiiyak.
Sana nararamdaman mo lahat ng nararamdaman ko.
Sana sa iyo nalang ang sakit na hindi ko na kayang buhatin.
Sana nabibigyan mo ako ng halaga.
Kahit minsan lang, maramdaman ko man lang ang saya sa'yo.
Pero tama na, ayoko na. Nakakapagod pala ang mahalin ka.
No comments:
Post a Comment